Ikaw ba ay hindi dokumentadong imigrante na nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID 19?
May nakahandang tulong.
Ano ang pagkakaiba ng dalawang pondo?
Ang Oregon Worker Relief ay para sa mga:
-
- Migranteng walang anumang ligal na papeles dito sa Unidos Estados
- Idad 18 at pataas
- Nakatira sa Oregon at nagtratrabaho sa Oregon
- Nawalan ng trabaho sanhi ng Coronavirus
Para maka pag-apply sa pondong ito kina kailangan kayo ay nakatira at nagtratrabaho sa Oregon bago o simula Pebrero 1, 2020.
Ang Oregon Worker Relief Fund ay maingat na iniingatan ang inyong pribadong pagkakakilanlan.
Tatanggalin nila ang inyong personal na pagkakakilanlan matapos ninyong matanggap ang inyong ayuda.
Ang Quarantine Fund ay para sa mga:
- Idad 18 at pataas
- Mga manggagawang bukid sa Oregon noon at ngayon
- Mga direktang naapektuhan ng Coronavirus
- Mga sumailalim sa quarantine ng ilang panahon o araw.
Ang Quarantine fund ay para sa mga taong nangangailangan ng ayudang pinansiyal sa panahon ng kanilang quarantine.
Paano ba ako makaka-apply sa Oregon Worker Relief Fund o Quarantine Fund?
TANDAAN: Ang buong prosesong ito ay libre, wala kang dapat bayaran.
- Tumawag sa telepono (888) 274-7292. Sabihin sa kanila kung anong wika ang iyong sinasalita.
- Makipag-usap ka sa isang ahente ng call center at tatanungin ka niya tungkol sa biographical information mo para masiguro ang iyong pwesto sa waiting list. Napakaimportante ang meron kang hawak na pagkakakilanlan.
- Bibigyan ka nila ng identification number sa dulo ng waiting list, kung saan ay makikita mo ang iyong pwesto sa aming website, at makakatanggap ka ng text message para sa lahat ng impormasyon.
- Kapag nabigyan na kayo ng ID number mangyari lamang maghintay (may konting katagalan) at kayo ay tatawagan para mai-schedule na kayo. Pwede kayong tumawag ng isang beses.
last updated 8/21/20